Bagong Taon na naman. May mga hirit na naman tayo ng pagbabago. Dami ang mangangako ng diet. Meron din na di na male-late. Yun iba siguro pagtitipid ang gustong gawin. Ewan lang kung matupad. Yun new year's resolution kasi parang pag-ibig lang. Kahit anong sabi mo at pangako mo, sa oras ng pagmamahal, laging bida ang "may bukas pa". Ilan ba sa mga kakilala natin ang matigas ang ulo at malambot ang puso sa pag-ibig? ilan ba tayong timang?
Si Marco:
"For the first time". Yan ang kwento natin. Sa may hagdan kita unang nakita. Nakahiga ka. Hindi ka kumikibo. Nakapikit ang mga mata. Kakahulog mo lang mula sa third floor ng gunsali ng eskwelahan natin. Nilapitan kita. Tinanong "Okey ka lang?" Nagmulat ka ng mata. Noon ang unang pagtatama ng ating mga mata. Ang dalawa kong mata sa iyong dalawang mata. Ang dalawa mong mata nakatingin sa isa ko lang mata. Unang tingin. Unang tibok. Unang pag-ibig.
Inalalayan kita para umupo sa hagdan. Hinawakan ko ang kamay mo. Para akong kinuryente sa unang pagdait ng palad ko sa palad mo. Noon ang unang holding hands natin. Malagkit kaagad. Pawisan ang palad mo.
Umupo ka sa hagdan. Tumabi ako sa'yo. Bumulong ka. Mahina lang. Hindi ko marinig. Lumapit ako. Bumulong kang muli. Mas mahaba ng kaunti sa una---pero hindi ko pa rin naintindihan. Mas lumapit ako sa'yo--nang muli kang bumulong. This time, nagsimula ng umamoy sa paligid. Sabi mo "sorry". Naintindihan ko. Unang pagtatabi. Unang amoy. Unang pag-ibig.
Si Tess:
Alas tres ng madaling araw. Para kang aswang na dumating sa buhay ko, madaling araw. Nasa kanto ako noon. Kumakain. Madilim pa ang paligid. Bigla kang dumating. Sabi mo bibili ka ng sabon. Unang dinig ko pa lang sa boses mo, alam ko nang mabaho ang hininga mo. Nagkagusto ako sa'yo. Sinundan kita ng tingin. Pumasok ka sa madilim na eskinita. Alas tres yun ng madaling araw.
Inabangan ko ang pagpasok mo sa school. Sinundan ulit kita. Sa labas ng eskwelahan, dun ako tumambay. Hinintay kita sa ilalim ng init ng araw. Bumili ako ng mani para almusal. Nang dumaan ang icrecream boy, meryenda naman. Siomai na lang ang tanghalian. Nilaro ko ang makukulay na itik upang di mainip sa paghihintay sa'yo. Naghintay lang ako.
Eksaktong alas tres ng hapon, lumabas ka na ng gate ng eskwelahan. May dala kang payong. Pinaandar ko ang tricycle ko. Ihahatid kita sa inyo.
Si Jill:
alam mo, you're super cute! Alam mo, weeee hiya ako, alam mo-- crush kita. AAhh. I like you talaga. Like, I saw you sa ano, sa hallway ng school. The first time I saw you--super kilig! You were dialing your nose. Weeeeeee ang cute mo! Tapos, you bilog bilog! weeeeeeee! kilig talaga! Gusto kitang lapitan noon pero I was shy kaya I sat na lang sa table near you. I looked at you. You were writing something. Tinitigan kita. Five hours kitang tiningnan. I looked at your hands. Waaaaaah daliri mo pa lang may muscles na! i laveeeet! Napatingin ako sa leeg mo. Lumunok ka. Waaaah dalawa ang adams apple mo. Nakakakilig! I looked at your eyes. Lumapit ako. Ang ganda ng mata mo. Ang haba ng eyelashes mo. Isa, dalawa, tatlo. Ay tatlo lang! I lab yu na talaga!
TBC